Nakaiinggit ang Pinoy Skin
Magandang araw mga kapitbahay!
Pagkwentuhan naman natin today ang ukol sa kutis natin, ang Pinoy skin dahil sa isang Dermatologist ang tumalakay ukol dito .
Si Ms. Eileen Manalo, Dermatologist at Owner ng Total Derm Aesthetic Center sa Roseville, California ang nainterview sa TVRadyo.
Ang sabi ni Doc Eileen, iba-ibang lahi ang kanyang mga pasyente, maganda ang balat ng mga Pinoy dahil sa melanin.
Ito ay ang substance present in the skin that produces pigment. At mapalad ang mga Pinoy dahil marami tayo nito.
Dahil dito, hindi tayo prone sa skin cancer. Ang mga Asyano o kahit ang mga Pinoy ay ‘lightening skin’ ang gusto o nais na maging maputi .
Ang Caucasians naman ang gusto ay kulay Pinoy. Hirap silang magpa-tan ng balat dahil naroon ang possibility ng ma-expose sa skin cancer, kahit na sabihin pang artifical tanning.
Kaya, mapalad ang mga Pinoy, hindi ba? Ang problema kasi ang mga Pinoy ay nag-iba ng concept of beauty, kapag maputi parang ‘yun ang maganda.
Samantala, sabi pa ni Doc Ellaine na sa kanyang obserbasyon, mas conscious ang mga Pinoy sa skin care kaysa sa mga nasa Amerika.
Kasi, sa U.S. kapag hindi covered ng insurance parang ‘luxury’ na para sa kanila.
Bagaman kapunapuna na dahil sa pandemic, tila naging mas conscious na ang mga tao sa kanilang hitsura.
May malaking bahagi o contributing factor ang ‘zoom meetings ‘ na naging karaniwan ngayong pandemya.
Ang mga participant ng zoom meetings ay naging concern sa kanilang mata, eyebags, wrinkles compared two years ago.
Ngayon, kung ang pag-uusapan ay skin care treatment naman, sinisikap ni Doc Eileen na hindi gumamit ng ‘surgery.’
Sa halip na mag face lift baka puwede namang Radio Frequency o RF na pang-tighten ng balat.
Meron ding tinatwag na ultrasonic cavitation na pantunaw ng taba. Meron ding ultrasound na pampa-shape ng balat, face and neck.
Kaya lang pahabol ni Doc Eileen, kailangan ay magsimula nang mas bata, halimbawa, ang isang babaeng 70 years old na ‘saggy’ na ang skin na ngayon pa lamang magpapagawa ng mga nabanggit ay mahihirapan na rin.
Ang isang Dermatologist ay kailangang maging tapat sa pagsasabi sa pasyente na hindi magiging absolute o naaayon ang kahihinatnan sakaling dumaan sa mga nasabing proseso.
Tandaan lagi na hindi pare-pareho ang balat, dagdag pa ni Doc Eileen, ang isang Pinoy na ang edad ay cuarenta (40) kapag inihambing o ikinumpara sa isang Caucasian na 40 years old din ay lalabas na mas matanda na parang ang edad ay 50 years old.
Kasi ang Pinoy ay maraming melanin na nagpapabata sa ating skin at panangga din sa sikat ng araw.
Kaya dapat proud tayo sa ating balat, balat mala – porselana sabi ng nanay ko.
Hanggang sa susunod ulit mga kapitbahay !