UN Security Council magpupulong ngayong Biyernes tungkol sa biological weapons sa kahilingan ng Moscow
Magsasagawa ng urgent meeting ngayong Biyernes ang UN Security Council sa kahilingan ng Russia, kaugnay ng umano’y pagbuo ng biological weapons sa Ukraine.
Nitong Huwebes, ay inakusahan ng Russia ang Estados Unidos ng pagpopondo sa research sa development ng biological weapons sa Ukraine, na sinalakay ng libu-libong tropa ng Russia simula noong February 24.
Kapwa itinanggi ng Washington at Kyiv na mayroong mga laboratoryo na ang intensiyon ay gumawa ng biological weapons sa Ukraine, at sinabi ng Estados Unidos na ang mga alegasyon ay senyales na maaaring ang Moscow mismo ang gagamit nito sa hinaharap.
Inakusahan ng mga estado sa Kanluran ang Russia na gumagamit ito ng panlilinlang sa pamamagitan ng pag-akusa sa kanilang mga kalaban at sa Estados Unidos ng pagbuo ng biological at chemical weapons, para pagtakpan ang posibilidad na gamitin nila ito sa Ukraine, isang bagay na ibinibintang na ginawa na nito sa Syria.
Sa isang buwanang pulong ng Security Council tungkol sa paggamit ng mga sandatang kemikal sa Syria — isang kaso na nananatiling hindi nareresolba at patuloy na dumaranas ng kakulangan ng impormasyon mula sa Damascus na tinuligsa naman ng UN, parehong binanggit ng Washington at London ang Ukraine.
Ayon kay US envoy to the UN Richard Mills . . . “The Russian Federation has repeatedly spread disinformation regarding Syria’s repeated use of chemical weapons. The recent web of lies that Russia has cast in an attempt to justify the premeditated and unjustified war it has undertaken against Ukraine, should make clear, once and for all, that Russia also cannot be trusted when it talks about chemical weapon use in Syria.”
Tinuligsa ng UK counterpart ni Mills na si James Kariuki, ang pag-atake ng Moscow sa Ukraine at sinabing malinaw ang pagkakapareho ng naging aksyon ng Russia sa Syria.
Aniya . . . “Regrettably, the comparison also extends to chemical weapons, as we see the familiar specter of Russian chemical weapons disinformation raising its head in Ukraine.”
Noong 2018, inakusahan ng Moscow ang Estados Unidos ng palihim na pagsasagawa ng biological weapons experiments sa isang laboratoryo sa Georgia, isa pang dating Soviet republic na gaya ng Ukraine, ay nag-aambisyon ding sumanib sa NATO at sa European Union.