Manila Bay Dolomite beach, target maging swimmable sakaling buksan muli sa publiko sa Abril
Target ng Department of Environment and Natural Resources na maging swimmable o maaari nang malanguyan ang bahagi ng Manila Bay dolomite beach.
Ito ay sakaling mabuksan muli ito sa publiko sa susunod na buwan.
Sinabi ni DENR Acting Sec. Jim Sampulna na sa oras na matapos ang iba pang rehabilitasyon, umaasa sila na puwede ng malanguyan ang bahagi ng beach.
Palalawigin din aniya nila ng 500 metro ang Dolomite Beach at target nila ang full opening nito bago matapos ang termino ni Pangulong Duterte.
Bukas, Lunes magkakaroon ng saturation drive ang DENR kung saan titingnan nila kung saang mga hotel nanggagaling ang hindi malinis o mabahong mga tubig o basura na napupunta sa Manila Bay.
Madz Moratillo