“125-piso” commemorative coin inilabas na ng BSP bilang paggunita sa 125th death anniversary ni Dr. Jose Rizal
Bilang paggunita sa ika-125 anibersaryo ng kamatayan ng Pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal, inilabas na ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang “125-piso” commemorative coin.
Sa Facebook post ng BSP, tampok sa barya si Dr. Jose Rizal bilang Global Filipino hero at makikita rin sa barya ang Rizal Monument at ang logo ng BSP.
Limitado lamang ang bilang ng commemorative coin na mabibili sa halagang 1,000 piso.
Gawa sa nordic gold at may bigat na 15 gramo ang barya.
Maaaring mag-order ng “125-piso” commemorative coin sa www.bsp.gov.ph.
Maaari ring bisitahin ang [email protected] para sa iba pang katanungan.
Please follow and like us: