Art sales, pinakamataas noong 2021
Sinabi ng mga eksperto mula sa Artprice, na ang Art auctions ay nakapagtala ng all-time high noong 2021 kung saan umabot sa $17.1 billion (15.6 billion euros) ang naging benta, habang ang merkado ay nagpatuloy sa mabilis na paglaki nito sa Asya at nakabawi mula sa pagkalugi sa panahon ng pandemya.
Batay sa annual report ng Artprice, ito ay kumakatawan sa 60-percent increase mula noong 2020, nang ang bentahan ay maapektuhan ng Covid-19 pandemic, at 28-percent kumpara sa 2019.
Ayon sa report . . . “The global art market regained much of its customary dynamism, and a whole lot more as well.”
Ito ay pinalakas ng ilang malalaking auction gaya ng $45-million Botticelli at $34.9-million Frida Kahlo sales sa New York.
Nagkaroon din ng landmark moment nang ibenta ng digital artist na si Beeple ang isang NFT sa halagang $69 milyon, ang pangatlo sa pinakamataas na halagang binayaran para sa isang living artist.
Karamihan sa mga NFT ay ibinebenta sa mga crypto-exchange (ang Ethereum lamang ay nakapagbenta ng humigit-kumulang $40 bilyon noong nakaraang taon) na hindi kwalipikado para sa pagsubaybay ng Artprice sa mga “regulated auction”.
Nguni’t kumakatawan pa rin ito sa may 300 traditional auctions ng NFTs, na sa pangkalahatan ay nagkakahalaga ng $232 million, kaya’t naungusan na nito ang photography.
Ayon kay Artprice president Thierry Ehrmann . . . “The health crisis accelerated the art market’s digitisation — 87 percent of the 6,300 auction houses that we follow now have a back-office dealing with online sales.”
Ang Contemporary art — mga sining na nilikha pagkatapos ng 1945, ay nagkaroon ng paglago sa benta o 20 porsiyento ng merkado mula sa 3 porsiyento noong 2000.
Ang China, na may $5.95 billion o 35 percent ng lahat ng benta, ang siya na ngayong pinakamalaking merkado ng sining sa buong mundo.
Ang Estados Unidos na may 34 percent, ay bumaba sa ikalawang puwesto bagama’t ang merkado nito ay mas sari-sari o mas maraming mapagpipilian na nakapagbebenta ng mas maraming likhang-sining sa mas mababang average price kumpara sa China.
Mabilis din ang naging paglago ng South Korea, kung saan pasok ito sa top 10 na may $237 million sales, mas mataas mula sa $58 million bago nagkaroon ng pandemya.
Ang epekto ng Brexit at kumpetisyon mula sa Hong Kong ay naramdaman sa merkado ng sining ng Britanya, na ang bentahan ay bumaba ng 10 percent noong 2019 o katumbas ng $1.99 billion.
Dagdag pa ng Artprice . . . “Hong Kong is increasingly asserting itself on the global chessboard and competing directly with the English capital.”
Ang lalong pagiging aktibo ng merkado ay nangangahulugan din na mas kaunting mga item na lang ang hindi pa nabebenta. Ang pinakamababang 31 porsiyento ng mga item ay hindi nakahanap ng mamimili noong 2021, kumpara sa mga tradisyonal na antas sa pagitan ng 34 at 39 porsiyento.
Sina Gerhard Richter at Banksy pa rin ang namamalaging best-selling living artists – ang nasa 1,186 likhang-sining ni Banksy ay naipagbili noong 2021 sa kabuuang $206 million.