Face to face media coverage sa Malakanyang inirekomenda na ng Presidential Communications Operation Office sa PSG
Nais na ng Presidential Communications Operation Office o PCOO na ibalik na ang face to face media coverage sa Malakanyang.
Sinabi ni PCOO at Acting Presidential Spokesman Secretary Martin Andanar na inirekomenda na ng kanyang tanggapan sa pamunuan ng Presidential Security Group o PSG ang pagbabalik face to face media coverage sa mga events sa Palasyo ng Malakanyang.
Ayon kay Andanar dahil mababa na ang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila maaari ng ibalik ang face to face media coverage sa mga presidential events sa Palasyo.
Inihayag ni Andanar na mayroon ng binuong guidelines ang PCOO para sa susunding protocol ng media sa pagbabalik ng face to face coverage sa mga presidential engagement.
Niliwanag ni Andanar kabilang sa guidelines sa pagbabalik ng face to face media coverage sa Malakanyang ang mahigpit na pagsunod sa standard health protocol na kinabibilangan ng regular COVID- 19 test sa lahat ng dadalo sa presidential coverage, palagiang pagsusuot ng face mask at regular desinfection sa press working area.
Umabot na sa 2 taon na virtual ang media coverage sa mga kaganapan sa Malakanyang kasama ang regular press briefing dahil sa pandemya ng COVID-19.
Vic Somintac