Metro Manila at 47 iba pang lugar, mananatili sa ilalim ng Alert Level 1 hanggang March 31
Ipinasya ng Inter-Agency Task Force (IATF) nitong Martes, March 15 na manatili sa ilalim ng Alert Level 1 ang Metro Manila at 47 iba pang mga lugar hanggang sa katapusan ng Marso.
Bukod sa National Capital Region, nasa ilalim din ng Alert Level 1 ang mga sumusunod na lugar:
Para sa Luzon-
Cordillera Administrative Region: Abra, Apayao, Baguio City at Kalinga; Region I: Dagupan City, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan; Region II: Batanes, Cagayan, City of Santiago, Isabela at Quirino; Region III: Angeles City, Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Olongapo City, Pampanga, Tarlac and Zambales; Region IV-A: Batangas, Cavite, Laguna at Lucena City; Region IV-B: Marinduque, Puerto Princesa City at Romblon; and Region V: Naga City at Catanduanes.
Para sa Visayas-
Region VI: Aklan, Bacolod City, Capiz, Guimaras at Iloilo City; Region VII: Cebu City at Siquijor; at Region VIII: Biliran, Ormoc City at Tacloban City.
Para sa Mindanao-
Region IX: Zamboanga City; Region X: Cagayan de Oro City at Camiguin; Region XI: Davao City; at CARAGA: Butuan City.
Ayon sa pahayag ng palasyo, ang mga lugar na wala sa talaan ay sasailalim sa Alert Level 2 simula ngayong Miyerkoles, March 16, 2022 hanggang March 31, 2022.
Bago ang anunsiyo nitong Martes, sinabi ng Metro Manila mayors na pinaghahandaan na rin nila ang posibilidad na ang NCR ay maisailalim sa tinatawag na “Alert Level 0.”