Dalawa patay sa malakas na lindol sa Japan
Dalawa katao ang nasawi at dose-dosena ang nasaktan sa malakas na lindol sa magdamag, na nagpauga sa malalaking bahagi ng silangang Japan at nagbunsod ng isang tsunami warning.
Patuloy pa ring ina-asses ng mga residente at mga opisyal ng hilagangsilangang bahagi ng bansa, ang idinulot na pinsala hanggang nitong Huwebes ng umaga, makaraang tumama ang 7.4-magnitude quake na lindol bago maghatinggabi ng Miyerkoles.
Isang tsunami warning para sa mga alon na aabot sa isang metro sa mga bahagi ng hilagang-silangan ng Japan ang inalis na ng madaling araw ng Huwebes, matapos na maitala ng mga awtoridad ang antas ng tubig na hanggang 30cm na mas mataas kaysa karaniwan sa ilang mga lugar na lamang.
Maraming mas maliliit na pag-uga ang patuloy na naranasan sa rehiyon sa buong gabi at umaga ng Huwebes.
Ang initial reports ng damage ay medyo maliit sa isang bansa na may mahigpit na building codes na ang layunin ay protektahan ito laban sa pagkawasak mula sa madalas na paglindol, at ayon sa mga opisyal walang abnormalidad sa mga plantang nukleyar.
Ayon sa government spokesman na si Hirokazu Matsuno . . . “We’re doing our best to assess the extent of the damage. Major aftershocks often happen a couple of days after the first quake, so please stay away from any collapsed buildings… and other high-risk places.
Sinabi naman ng Fire and Disaster Management Agency, na dalawa katao ang namatay sa lindol, isa sa Fukushima region at isa sa katabing Miyagi, at may higit 90 katao ring nasakatan sa ilan pang rehiyon.
Sinabi ng Meteorological Agency ng Japan, na ang lindol ay tumama sa lalim na 60 kilometro (37 milya) mula sa baybayin ng Fukushima at ilang minuto bago ito, ay isa ring malakas na 6.1-magnitude na lindol ang yumanig din sa kaparehong lugar.
Ang lindol ay nangyari ilang araw matapos gunitain ng Japan ang ika-11 taong anibersaryo ng isang napakalakas na lindol na nagdulot ng nakamamatay na tsunami at ang Fukushima nuclear catastrophe.
Ang magdamag na lindol ay nagdulot ng malakas na pagyanig sa baybayin ng hilagang-silangan, kung saan tumilapon ang mga paninda mula sa shelves ng mga convenience store at nagbagsakan ang mga bookcase sa mga tahanan.
Niyanig din ang kapitolyo na naging sanhi upang sumandaling mawalan ng suplay ng kuryente ang Tokyo at iba pang mga lugar.
Humigit-kumulang dalawang milyong mga tahanan ang nawalan ng suplay ng kuryente sa Tokyo at sa iba pang mga lugar, subali’t unti-unti ring naibalik sa buong magdamag. Nasa 35,600 mga tahanan sa Miyagi at Fukushima ang wala pa ring kuryente hanggang umaga ng Huwebes, ayon sa electricity firm naTEPCO.
Sinabi ng nuclear authority ng Japan, na walang nakitang abnormalidad sa planta ng Fukushima na natunaw noong 2011 nang tumama ang tsunami, habang ang mga pump para sa pagpapalamig sa mga pool sa ilang reactors ay pansamantalang huminto ngunit muli ring gumana makalipas ang ilang sandali.
Sa paligid ng Fukushima plant, ay nagsagawa ng malawakang decontamination, at ang mga no-go zone ay sumasaklaw na lamang sa 2.4 porsiyento ng rehiyon, bumaba mula sa 12 porsiyento, kahit na ang mga populasyon sa maraming bayan ay nananatiling mas kakaunti kaysa bago mag-2011.
May ilang pinsalang napaulat, gaya ng pagbagsak ng isang pader na bato sa kinaroroonan ng Aoba castle sa Sendai city, habang nadiskaril naman ang Shinkansen bullet train sa hilaga ng Fukushima city.
Wala namang nasaktan sa pagkakadiskaril ng tren, pero 73 mga pasahero at tatlong staff na lulan nito ang apat na oras na na-trap bago nakalabas sa tren.