Pangulong Duterte nababahala sa isang political party na napasok na ng mga komunista
Habang papalapit ang halalan sa bansa sa Mayo nagpahayag ng pagkabahala si Pangulong Rodrigo Duterte sa isang political party na napasok na ng mga rebeldeng komunista.
Sa kanyang regular weekly Talk to the People sinabi ng Pangulo na mayroong political party at ang kanilang Presidential candidate ay suportado ng mga makakaliwang grupo.
Ayon sa Pangulo sa ngayon ay hindi pa siya handa na pangalanan ang political party at presidential candidate na nakikipaglaro sa kalaban ng estado.
Inihayag ng Pangulo na mabuti na lang mayroong National Task Force to End Communist Armed Conflict o NTF ELCAC na siyang tumutulong sa gobyerno para makapagbalik loob sa pamahalaan ang mga rebeldeng komunista sa bansa.
Vic Somintac