Pangulong Duterte , naniniwalang hindi pa bababa ang presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa

Hindi pa inaasahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na bababa na ang presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa sa mga susunod na araw.

Sa kanyang regular weekly Talk to the People sinabi ng Pangulo na hangga’t hindi natatapos ang giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine mananatiling hindi matatag ang halaga ng krudo sa pandaigdigang pamilihan.

Ayon sa Pangulo,hindi maisasantabi na isa sa pinakamalaking oil producer ang Russia na nagsusuplay ng langis sa Europa at dahil sa ipinatutupad na economic sanction ng Amerika at European Union maaapektuhan ang suplay ng krudo.

Inihayag ng Pangulo sa sandaling magkaroon ng kakulangan ng suplay ng langis sa Europa na nagmumula sa Russia tiyak maapektuhan din ang suplay na nagmumula sa Organization Of Petroleum Exporting Countries o OPEC na nakabase sa gitnang silangan na magdudulot ng krisis sa langis sa buong mundo.

Kaugnay nito habang patuloy na tumataas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa hinikayat ng Pangulo na magtipid muna at gamitin ang mga mass transport system tulad ng mga public utility buses, Metro Rail Transit o MRT at Light Rail Transit o LRT.

Vic Somintac

Please follow and like us: