Russia handa na paigtingin ang economic at trade cooperation sa Pilipinas
Tiniyak ni Russian Ambassador to the Philippines Marat Pavlov na handa ang Russia na palakasin pa ang economic at trade cooperation nito sa Pilipinas.
Sinabi ni Pavlov na may Russian companies na bukas na makipag-partner sa Pinoy firms sa larangan ng oil and gas exploration.
Handa rin aniya ang Russia na tugunin ang pangangailangan ng Pilipinas sa langis, food supplies at umagapay sa pagtatag ng mga bagong power plants o pag-modernisa sa mga lumang planta sa bansa.
Naniniwala si Pavlov na malaki ang potensyal sa kooperasyon ng dalawang bansa sa larangan ng nuclear energy para sa mapayapang layunin.
Kabilang na rito ang pagsasagawa ng feasibility studies para sa pagtatayo ng nuclear power plant sa Pilipinas.
Umaasa ang diplomat na patuloy na makipag-interaksyon ang Pilipinas sa Russia sa maraming larangan.
Noong 2019, naitala aniya ang pinakamataas na trade sa pagitan ng Russia at Pilipinas na $1.2 billion.
Moira Encina