Pag-uga ng ngipin maraming dahilan
Magandang araw po sa lahat !
Pag-usapan natin ang umuugang mga ngipin, baka ito ay problema din ninyo .
Alam ninyo ang pag-uga ng ngipin ay maraming dahilan. Puwedeng kaya umuuga dahil ang pundasyon ay mahina.
Maaari din namang umuuga dahil sa tensyon.
O di naman kaya ay marami ng kulang sa ngipin kaya ang mangyayari ay gumalaw .
Ang mahalaga ay dapat malaman ang root cause nito.
Ito ba ay dahil sa hygiene, o dumi ng ngipin, o bad bite?
Ito ang mga karaniwang dahilan ng pag-uga.
Malalaman lang talaga kapag ikaw ay nagpatingin o kumonsulta sa isang functional dentist.
Dapat din na isaalang-alang ang nutritional deficiency.
Pero, gusto kong mabigyang-diin na kahit umuuga ang ngipin, hindi solusyon na ito ay ipabunot.
Kasi minsan, kaya umuuga ang ngipin, ay dahil nabubunggo ito mali ang posisyon.
Sana ay nakapagdagdag tayo ng kaalaman ukol sa umuugang ngipin .
Samantala, sa nagtanong sa atin tungkol sa namamagang gilagid at ngipin, ganundin, maraming pinanggagalingan kung bakit.
Puwedeng nutritional deficiency gaya ng Vitamin D deficiency.
Maaaring na- stress ang ngipin, tandaan na hindi ito gagaling hangga’t hindi ninyo ikinukunsulta sa isang Functional Dentist .
Ang pagmumumog ng asin sa maligamgam na tubig ay band-aid solution lamang, pansamantala lamang ito .
Kung may mga tanong kayo, maaari kayong makinig sa Kapitbahay at magtext sa 09967354422.