COVID-19 vaccination certificates ng Iran, Panama, at Bulgaria kikilalanin na sa Pilipinas
Kikilalanin at tatanggapin na ngayon sa Pilipinas ang COVID-19 vaccination certificates ng Bulgaria, Panama at Iran.
Ayon kay acting Palace spokesperson Martin Andanar, ito ay matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, ang mga sertipiko “for purposes of arrival quarantine protocols, as well as for interzonal/intrazonal movement.”
Sinabi ni Andanar, na ang tatlong bansa ay karagdagan sa iba pang mga bansa, teritoryo at hurisdiksiyon na ang proofs of vaccination ay inaprubahan na ng IATF para kilalanin at tanggapin sa Pilipinas.
Aniya . . . “The recognition and acceptance was also without prejudice to such other proofs of vaccination approved by the IATF for all inbound travelers.”
Bukod sa tatlong nabanggit na bansa, ang COVID-19 vaccination certificates ng Armenia, Hong Kong, Samoa, United States, Chile, Syria, Germany, Oman, Turkey, Ireland, Peru, Estonia, Greece, Portugal, Argentina, Qatar, Australia, Austria, India, United Kingdom, at iba pa ay kinikilala na rin sa Pilipinas.