Mataas na satisfaction rating at popularidad ng Pangulo, makakatulong sa sinumang i-eendorso nito – Senador Go

Naniniwala si Senador Christopher Bong Go na malakas pa rin ang hatak ng Pangulo at may tyansa pa ring manalo sa eleksyon ang sinumang i-eendorso nito.

Ayon kay Go, kahit tatlong buwan na lamang sa pwesto, mataas pa rin ang satisfaction rating at popularidad ng Pangulo.

Tulad ng isang ama sinabi ng Senador na marami pa rin ang nakikinig sa payo ng Pangulo.

Pero hindi talaga maiiwasang may mga kakalas sa kanya lalo’t nalalapit na ang kaniyang pag-alis sa Malacañang.

Sinabi pa ng Senador hindi na bago ang unti- unting pagtawid ng bakod ng mga dating kaalyado ng Pangulo.

Naniniwala ang Senador na pagkatapos ng termino ng Pangulo, tuluyan na ring mawawasak ang ruling party nito na PDP laban.

Handa naman raw ang Senador na kumalas rin sa PDP laban at maging independent na lamang sakaling paalisin siya ni Senador Aqulino Koko Pimentel.

May naunang statement si Pimentel na magsasagawa sila ng cleansing process sa partido pagkatapos ng eleksyon sa Mayo.

Si Go ay isa sa mga lumagda sa resolusyon ng PDP laban cusi wing na nagdedeklara ng suporta sa kandidatura ni Presidential candidate Bongbong Marcos.

Meanne Corvera

Please follow and like us: