Pag-alam sa Cardiovascular disease ngayong national women’s month
Magandang araw mga kapitbahay, kumusta na po!
Alam n’yo ba na dumarami pala ang mga babaeng nagkaka-cardiovascular disease? Kaya nga nang talakayin ito sa Let’s Get Ready To TVRadyo program ay all ears tayo.
Ang guest ay si Dr. Aileen Cynthia De Lara, Cardiologist, miyembro ng Philippine Heart Association, at ang sabi niya, kapag sinabing cardiovascular disease, hindi lang ang involve ay puso, sakit din sa mga ugat sa utak, binti at kamay.
Cardio meaning puso, vascular dahil sa ang involve ay blood vessels, idagdag ang hypertension o high blood, stroke at ang sinasabing stroke sa mga ugat sa paa.
Sa ngayon, kapag tiningnan natin ang bilang ng mga babaeng may cardiovascular disease mapapansin ang pagtaas, 6-7 out 10 women ay affected.
Mas tumataas ang insidente habang nagkaka-edad o sumapit ang babae sa tinatawag na menopausal stage .
Bagaman kapag tiningnan ang general population, mas marami pa ring lalaki ang may ganitong sakit, subalit kapag pag tiningnan by age, halos parehas na lalo pa nga’t sumapit sa menopausal stage ang babae.
Ayon pa kay Doc Aileen, malaking factor ang ‘diet ‘ sa cardiovascular disease lalo pa nga at pagtaas ng cholesterol ay isa sa risk factor na ikinukunsidera, bukod sa high blood.
Kaya dapat ay bantayan ang kinakain, ang seafoods ay mataas sa cholesterol gaya din ng red meat, yung fastfoods mataas sa fats na nagiging daan para tumaas ang choleterol sa katawan.
Hindi lang para sa mga babae kundi sa general public.
Binigyang-diin pa ni Doc Aileen na sa edad 45 pataas, nagsisimula na ang peri-menopausal sa mga kababaihan at dito na rin nagkakaron ng hormonal changes.
Sa ganitong edad, mas makabubuting I-check o bantayan na ang sugar, cholesterol, kidney function at ang weight, dahil once na ang babae ay magmenopause, nawawala na ang estrogen.
Ito ay importanteng hormone sa mga babae.
At kapag nawala na ang estrogen sa katawan ng babae, magsisimula nang tumaas ang cholesterol at mas nagiging malapot ang dugo .
Paalala na mahalaga din ang exercise kaya hindi dapat na isama sa pang araw-araw na aktibidad.
Dapat ay makontrol ang risk factors kaya mahalaga na magpa check-up sa inyong mga doktor.
Pahabol nga pala ni Doc na ang isa sa napansin nila kapag nagka- cardiovascular disease ang babae, mas malala kaysa lalaki. Bakit?
Dahil mas inuuna ng mga babae ang asawa, mga anak, mga mahal sa buhay kaysa sa kanya sa pagpapa check-up.
So, mga kapitbahay, ngayon ay aware na tayo about cardiovascular disease.
Until next time , ito si Julie Fernando, ang inyong kapitbahay!