Hybrid election system sa halalan sa Mayo , inirekomenda
Inirekomenda ni Senador Imee Marcos ang hybrid election system sa pagdaraos ng halalan sa Mayo.
Sa harap ito ng duda dahil sa umano’y nangyaring security breach sa sistema ng smartmatic.
Sa hybrid election system, bibilangin electronically ang mga boto pero magkakaroon rin ng manual count sa mga presinto lamang para magamit na ebidensya sakaling may maghain ng protesta.
Sinabi ni Marcos na Chairman ng Senate Committee on Electoral Reforms ginagawa naman ang prosesong ito sa mga bansang Germany, Australia, Singapore at Austria para sa integridad ng halalan.
Sa ngayon may duda aniya sa mga vote counting machine dahil hindi nakikita ang resulta ng nangyaring botohan.
Bagamat may kaunting delay sa bilangan sa mga presinto mas credible aniya ang magiging resulta ng halalan.
Meanne Corvera