Taunang pagtuturok ng bakuna kontra Covid-19, pinag-aaralan ng gobyerno
Pinag-aaralan na ng pamahalaan ang posibilidad ng pagsasagawa ng taun-taong Covid-19 vaccination program.
Sinabi ni Health Usec. Myrna Cabotaje na maaari na lamang ituring na pangkaraniwang trangkaso ang Covid-19 sa mga darating na panahon gaya ng yearly flu shots.
Titingnan din ng gobyerno kung aplikable ito sa lahat ng populasyon o para lamang sa mga high-risk at vulnerable.
Sa ngayon aniya ay pinapalakas ng gobyerno ang programa sa pagbabakuna gaya ng pagpapalawak ng mga Bakuna center, mailapit sa mga mamamayan at mas mapabilis ang mga procedure sa pagbabakuna at alisin ang hindi kailangang restrictions.
Bahagi aniya ito ng 10-point agenda on Sustaining and Accelerating the country’s Economic recovery ng Duterte administration.