P46-million lab equipment aid ipinagkaloob ng JICA sa RITM
Pinagkalooban ng Japan International Cooperation Agency (JICA) ng P46 milyong halaga ng laboratory equipment ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para makatulong sa COVID-19 recovery efforts ng Pilipinas.
Ayon sa JICA, ang international development arm ng Japanese government, nagkaloob ito ng pharmaceutical refrigerator, automated immunoassay analyzer, deep freezer at iba pang kagamitan sa RITM. Ang turnover ceremony ay ginanap noong March 24.
Layunin nito na lalo pang mapalakas ang kapasidad ng RITM sa detection, treatment at management ng mga kaso ng COVID-19, at makatugon sa pangangailangan ng pagkakaroon ng sapat na bilang ng medical equipment.
Ayon kay Sakamoto Takema, JICA Philippines chief representative . . . “This assistance complements our other support to Philippine COVID-19 recovery efforts including the grant finance and technical cooperation for cold chain storage and logistics as well as rapid antigen test kits to be distributed to the Department of Health in the coming weeks.”
Una nang nagkaloob ng JICA ng P22 billion COVID-19 Crisis Response Emergency Support Loan at isa pang P22 billion JICA Post-Disaster Standby Loan Phase 2. Nagbigay din ito ng mga kagamitan para sa COVID-19 testing, diagnosis at treatment sa San Lazaro Hospital sa pagsisimula ng pandemya.
Ang Pilipinas ay nakapag-ulat ng higit 3.67 milyong kaso ng COVID-19 simula nang mag-umpisa ang pandemya, at 59,015 naman ang nasawi.