Hindi ibig sabihin na walang nararamdaman ay okay na
Hello, mga kapitbahay ! Kumusta na po kayo? Nagbabalak na ba kayo kung saan gagala?
O nakagala na? Ingat tayo palagi at huwag kalimutan ang healthy protocols.
Ang pag-uusapan natin ay karugtong lang nang nauna kong nabanggit sa inyo tungkol sa cardiovascular disease, na ibinahagi naman ni Dra. Aileen De Lara na isang Cardiologist sa TVRadyo program.
Ito ang part 2 kumbaga .
Sinabi ni Doc Aileen na mas madali ng gamutin ngayon ang cardiovascular disease.
It is something that is preventable.
Ma-identify lang ang risk factor sa isang tao at makontrol ang risk factors gaya ng cholestrol, high blood or sugar level, eventually, hindi hahantong sa cardiovascular disease.
At kung sakali mang meron ng sakit sa puso, marami namang intervention ang maaaring ibigay sa pasyente. Hindi katulad 30 years ago na kapag inatake sa puso ang isang tao , wala ng magagawa.
Ngayon, marami ang ng paraan na puwedeng gawin para gumaling ang isang nagkaroon ng sakit sa puso .
Binigyang-diin pa ni Doc Aileen na mas mabuti kung mas maagang nagpapa check-up, makatitipid pa.
Kasi, lumalaki ang gastos kapag lumala ang sakit dahil hindi nagpapa check-up, meron na palang kumplikasyon.
Ang siste, hindi lang sa puso, puwedeng naapektuhan na rin ang bato, atay at iba pang vessel sa katawan.
Totoo ang prevention is better than cure.
Tandaan din na ito ay isang family affair. Mahalaga ang family support.
Hindi lang financially, kundi suporta sa pagpapaaalala na dapat ay magpa check -up regularly.
Mahalagang ituro at maipaalala ang ukol sa healthy habits na dapat gawin.
Hindi komo walang nararamdaman ay okay ka.
Kahit baseline test ay maisagawa o general check-up para makita kung ano ang risk factors na puwedeng maiwasan o makontrol para hindi mauwi sa kumpikadong kundisyon , na ito nga ang cardiovascular disease.
O ayan mga kapitbahay , sana ay magpaalalahanan tayo sa ating pamilya ukol sa regular check-up.
Unitl next time , ito po si Julie Fernando, ang inyong kapitbahay !