National Unity Party, inendorso si BBM sa pagka-pangulo
Nakuha ni dating senador at presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang endorsement ng National Unity Party (NUP).
Ang NUP ang isa sa pinakamalaking partido sa Kamara De Representantes.
Ayon kay NUP Deputy Secretary General at spokesman Reggie Velasco, nagpasya ang partido na suportahan ang kandidatura sa pagka-pangulo ni BBM.
Ang endorsement ay kasunod ng pagdalo ni Marcos sa pagpupulong ng NUP noong Marso 23.
Sinasabing may pagsuporta ang endorsement ng bilyonaryong si Enrique Razon na kilalang supporter ng NUP.
Inihayag ni Velasco na ang panawagan ni BBM na pagkakaisa ay sang-ayon sa kanilang party constitution na “one nation, one future.”
Ikinatuwa ng kampo ni Marcos ang endorsement ng NUP.
Ayon sa tagapagsalita ni BBM na si Atty. Vic Rodriguez, “substantive contribution” ito sa kampanya ng UniTeam at ng BBM- Sara Duterte tandem.
Madelyn Moratillo