Gobyerno, gagastos ng P50- billion para sa pagtatayo ng Digital infrastructure
Gagastos ang gobyerno ng P50 billion para magtayo ng digital infrastructure at mapalakas ang internet service upang maabot ang target ng gobyerno na free wifi for all.
Sinabi ni DICT acting secretary Emmanuel Rey Caintic na mayorya ng pondo gagamitin sa pagtatayo ng mga tower at fiber optic lalo na sa mga lugar na hindi pa naabot o mahina ang internet service.
May dayalogo na raw sila sa mga local govenment units para mas mapabilis ang pagtatayo ng mga tower lalo na sa mga mountainous at coastal barangays.
Sa ngayon aniya milyon milyong pinoy pa ang hindi maka- access sa distance learning at work from home dahil limitado pa ang internet sa mga lalawigan.
Sa kasalukuyan aniyang datos, dalawang libo pa lamang sa target na limampung libong towers ang napapatayo .
Umaasa naman ang DICT na itutuloy ng susunod na administrasyon ang proyekto ng Duterte Administration para sa National Broadband Program.
Meanne Corvera