Kinalaman ng ngipin sa ating mga mata
Sa tanong na may kinalaman ba ang mga at sa ngipin?
Ang sagot ko ay malaki ang kinalaman.
Maraming tao pagdating sa problema sa mata, ang ngipin hindi binibigyan ng halaga.
Ang ngipin kasi ay konektado sa mata natin.
Ang sahig ng ating mga mata ay mga ngipin.
Puwedeng magkaproblema sa mata dahil may problema ang mga ngipin gaya ng panlalabo ng mata, pagluluha, o kahit ang pagluwa ng mata.
Hindi aware ang marami na konektado talaga ang mata sa ngipin.
Ang totoo nga, kapag naayos ang ngipin, malaki ang posibilidad na luminaw ang mata lalo pa nga at naayos ang bite o kagat, nagkakaron ng magandang daloy ng dugo sa mga ugat patungo sa mata o nagkakaroon ng tinatawag na oxygenated blood to the eyes .
Kapag nangyari ito, dadaloy ng tama, kaya kapag ang mata ay malabo mababawasan ang paglabo dahil ang ginagawa ng tamang kagat ay decompression habang ang maling kagat naman ay compression.
Kaya sa maling kagat, naiipit ang mga ugat .
May mga pasyente nga ako na dati ay halos nakasarado na ang kabilang mata o isang mata , inayos ang ngipin.
Matapos na gawin ang pagsasaayos ay bumukas ang mata .
Ibig lang sabihin nito, ang nang-iipit sa ugat ng mata ay ang ngipin, nagkakaroon ng pagbabara.
Ang gagawin lang naman ng functional dentist ay bibigyan ng magandang daloy sa pamamagitan ng pagbabalik sa tamang numero ng ngipin at tamang posisyon.
Sana ay nakatulong ang impormasyon ito sa lahat!