Pag-amyenda sa rules and regulation patungkol sa Gun ban, inaprubahan na ng Comelec
Inaprubahan na ng Commission on Elections en banc ang pag-amyenda sa rules and regulation patungkol sa gun ban.
Sa isang pahayag, sinabi ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan na sa ilalim ng inamyendahang resolusyon ng poll body, pinayagan na ang decentralization ng pagbibigay ng gun ban exemption sa mga Regional Director at Election Officers.
Inaprubahan din ng en banc ang automatic gun ban exemption sa mga mahistrado, hukom, at prosecutors kasama na ang Ombudsman.
Binigyan naman ng 1 linggo ang Committee on the Ban on Firearms and Security Concerns para maisapinal ang amendments na ito.
Mula naman sa kasalukuyang sistema na sa Comelec main office na ang pagkuha ng gun ban exemption, papayagan na ang regional directors at election officers na mag- isyu nito.
Pag-aaralan naman ng poll body at kanilang partners ang mga safeguard na maaaring ipatupad kasunod ng amendments na ito.
Inatasan din ng en banc ang Committee on the Ban on Firearms and Security Concerns na madaliin na ang pagproseso ng mga nakapending na aplikasyon para sa gun ban.
Madz Moratillo