NTC pinatitiyak sa telcos ang tuloy-tuloy na serbisyo sa mga lugar na apektado ng pag-alburoto ng Bulkang Taal
Ipinagutos ng National Telecommunications Commission (NTC) sa lahat ng public telecommunication entities na tiyakin na may sapat na bilang ng technical support personnel at standby generators sa lugar na apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal.
Sa memorandum na pirmado ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba noong March 28, iniutos din sa mga telcos na maglagay ng libreng tawag at libreng charging stations sa mga evacuation sites na tinukoy ng Provincial Government ng Batangas.
Pinaalalahanan din ang telcos na makipag-ugnayan sa mga LGUs at ipagpatuloy ang mahigpit na pagsunod sa health protocols para maiwasan ang hawaan ng COVID-19.
Itinaas ng Phivolcs sa Alert Level 3 ang Taal Volcano kamakailan makaraang makapagtala ng sunod-sunod na maiiksing phreatomagmatic bursts.
Madelyn Moratillo