Mga bus na may lulang mga residente ng Mariupol dumating na sa Zaporizhzhia

Evacuees from Berdiansk and a few from Mariupol, are helped as they arrive at the registration centre in Zaporizhzhiaemre caylak AFP

Dose-dosenang mga bus sakay ang mga evacuee mula sa Mariupol at iba pang mga lungsod na okupado ng Russia sa southeast Ukraine, ang dumating na sa Zaporizhzhia.

Ang mga pasahero ay kinabibilangan ng mga taong nakatakas mula sa Mariupol, at mga residente ng Berdiansk at kalapit na Melitopol.

Halos mawasak ang Mariupol mula nang salakayin ng Russia ang Ukraine, kung saan nalantad ang mga residente sa kawalan ng pagkain, tubig at nabilad sa initan habang binobomba ang kanilang lungsod.

Evacuees arrive at Zaporizhzhia after a long journey from Russian-occupied cities in the southeastemre caylak AFP

Nitong Biyernes, sinabi ng International Committee of the Red Cross (ICRC) na napilitan bumalik ang kanilang rescue convoy dahil imposible nang magpatuloy. Subali’t muli nilang susubukang magsagawa ng paglilikas ngayong Sabado.

Tinatayang 160,000 katao pa ang pinaniniwalaang na-trap sa southeastern port city matapos mabigo ang ilang evacuation attempts, bagama’t may ilan na nagawang makalabas sa sarili nilang pagsisikap.

Sa isang video address ay kinumpirma ni Deputy Prime Minister Iryna Vereshchuk, na 42 mga bus mula sa Berdiansk ang matagumpay na nakalabas, habang may 771 pang mga residente ng Mariupol ang nakakita ng sarili nilang masasakyan patungong Zaporizhzhia.

Buses and a variety of private vehicles and cars have been transporting evacuees emre caylak AFP

Kalaunan ay sinabi naman ni President Volodymyr Zelensky na nagawa nilang mailigtas ang 6,266 katao kabilang ang 3,071 mula sa Mariupol, bagama’t hindi pa malinaw kung ang tinutukoy niya ay ang sakay ng mga bus.

Ilan sa mga evacuee ang nagsabing kinailangan nilang maglakad ng 15 kilometro o higit pa para makatakas mula sa Mariupol, bago sila nakakita ng mga pribadong sasakyan na nagdala sa kanila palabas.

Please follow and like us: