Inagurasyon ng China funded project na Binondo – Intramuros Bridge sa Maynila, itinakda bukas
Natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang konstruksyon ng Binondo – Intramuros Bridge sa Maynila.
Kasabay nito, sinabi ni DPWH Undersecretary at Build, Build, Build Chief Implementer Emil Sadain, na all systems go na para sa inagurasyon ng tulay bukas, Abril 5.
Ayon kay Sadain, sa oras na mabuksan na ang tulay na ito na nagkokonekta sa Binondo at Intramuros ay inaasahang malaki ang maitutulong ito para mapaluwag ang daloy ng trapiko sa lugar.
30,000 sasakyan umano ang kaya nitong ma-accommodate kada araw.
Ang Binondo – Intramuros Bridge ay pinondohan ng China at sinimulang itayo noong 2018 pero dahil sa Covid-19 Pandemic ay naantala ang konstruksyon.
Ang Binondo-Intramuros Bridge ay may 4 na linya at mayroon rin itong inilaang bike lane sa magkabilang side.
Lalagyan din ito ng hagdan para sa pedestrian pero inaasahang sa Hunyo pa ito maikakabit dahil manggagaling pa ito sa China.
Madz Moratillo