Pagbuo ng task force kontra sa fake news kaugnay ng halalan, Isinusulong ng COMELEC
Dahil sa paglaganap ng social media, isa sa problema na kinakaharap ngayon ng Commission on Elections ay ang pagkalat ng fake news.
Lalo na sa mga bagay patungkol sa halalan na ayon sa Comelec ay maaaring makaapekto sa kredibilidad ng gagawing eleksyon.
Kaya naman si Comelec Commissioner George Garcia, isusulong ang pagtatag ng isang Task Force kontra Fake News.
Pangamba ng Comelec official, kung maraming maniniwala baka makaapekto ito sa kabuuan ng electoral process ng bansa.
Babala ni Garcia, handa ang Comelec na habulin at panagutin ang mga gumagawa ng maling balita na nais lamang guluhin ang halalan.
Inalam naman ng Agila News Team kung naaapektuhan ba ng mga fake news na ito patungkol sa eleksyon ang ating mga kababayan.
Apila naman ng isa sa nakausap ng news team sa ating mga kababayan, huwag maniwala sa fake news.
Isa sa mga pwede daw makatuwang ng Comelec sa Task Force na ito ang Cybercrime unit ng National Bureau of Investigation at ng Philippine National Police.
Madz Moratillo