House to house anti COVID-19, Ipinag-utos ni Pangulong Duterte
Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Health o DOH at National Task Force o NTF kasama ang National Vaccination Operation Center na paspasan na ang pagbabakuna sa mga hindi pa bakunado laban sa COVID 19.
Ginawa ng Pangulo ang kautusan sa kanyang regular weekly Talk to the People Program.
Sinabi ng Pangulo kailangang magsagawa na last minute house to house vaccination para mabigyan ng anti COVID -19 vaccine ang mga hindi pa bakunado at hindi pa nakapagpapaturok ng booster shot.
Ayon sa Pangulo, hindi na kasalanan ng gobyerno kung sa kabila ng pagsisikap ng pamahalaan na mabakunahan ang lahat ay mayroon paring umaayaw.
Inihayag ng Pangulo na kailangang mag-apura na sa pagbabakuna dahil mayroong mga anti COVID-19 vaccine na nabili ng gobyerno na malapit ng mag-expire.
Idinagdag ng Pangulo kung hindi magagamit ang mga anti COVID-19 vaccine na malapit ng mag-expire ay idodonate na lamang ito ng pamahalaang Pilipinas sa mga bansang kulang ang kanilang bakuna upang hindi masayang.
Vic Somintac