Dalawang indibiduwal na sangkot sa online investment scam, inaresto sa Lipa, Batangas ng NBI
Timbog ng NBI- Special Task Force ang dalawang indibiduwal sa Lipa City, Batangas dahil sa online investment schemes.
Kinilala ng NBI ang mga inaresto na sina Yron Recodo at Katrina Oloteo ng Hacienda Nirvana na ino-operate ng Arcadia Prime Development Corporation.
Ang Nirvana ay isa sa mga subjects ng monitoring at cyber surveillance ng NBI- STF.
Nabatid ng NBI na ang Nirvana ay proyekto na pagma-may-ari ng Arcadia na nagpapakilalang offering investment at matatagpuan sa
RDC Plaza, Ayala Highway, Barangay Balintawak, Lipa, Batangas.
Inaresto ang mga suspek matapos na magpanggap ang NBI agents na kliyente at ibigay ang apat na tseke na nagkakahalaga ng Php700,000 bilang investment sa Arcadia.
Isinalang na sa inquest proceedings sa piskalya sina Recodo at Oloteo kung saan inireklamo sila ng paglabag sa Securities Regulation Code.
Moira Encina