Batas na mangangasiwa sa mga datos na inilalabas ng survey firms, isusulong ni Sp Sotto
Isinulong ni Senate president Vicente Sotto na magkaroon ng batas na mangangasiwa sa mga datos na inilalabas ng survey firms tuwing eleksyon.
Ayon sa Senador, nagagamit umano ang mga survey firms na ito para makondisyon ang utak ng mga tao kung sino sino ang maaring maluklok sa pwesto.
Para sa Senador dapat may pananagutan ang mga polling firms sa mga inilalabas na resulta nito lalo sa mga isyung may kinalaman sa kalagayan at paghihirap ng bansa.
Kwestyon ni Sotto ano ba ang nagawa ng mga nanguna sa survey noon para umunlad ang bansa.
Pero para kay Senador Christopher Bong Go, bago gumawa ng batas dapat munang pag-aralan ang mga survey dahil dito rin nakuha ng publiko Ang ideya kung sino ang kanilang iboboto.
Walang nakikitang batayan ang Senador na nagagamit nga ang mga survey para ikondisyon ang mga botante.
Gayunman, bukas naman ito na pag-aralan ang proseso ng survey sakaling gumawa ng batas ukol rito.
Meanne Corvera