Imbestigasyon sa vote-buying complaint laban sa isang congressional candidate, ipauubaya ng DOJ at NBI sa COMELEC
Hindi na muna paiimbestigahan ng DOJ sa NBI ang sinasabing vote-buying na kinasasangkutan ni Quezon City District 5 congressional candidate Rose Nono-Lin.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, hindi pa ipinapabatid sa DOJ ng poll body ang ukol sa vote-buying complaint.
Ang DOJ ay isa sa mga miyembro ng Task Force Kontra Bigay na nilikha ng COMELEC.
Sinabi ni Guevarra na ang poll body ang may pangunahing hurisdiksyon sa nasabing reklamo.
Aaksyon lang aniya ang DOJ o NBI sa isyu kung ito ay iendorso na ng COMELEC para sa malalimang imbestigasyon.
Si Lin ay stockholder ng kumpanya na iniuugnay sa Pharmally na inimbestigahan ng Senado kaugnay sa sinasabing maanomalyang pagbili ng COVID medical supplies.
Moira Encina