Mga panuntunan para sa mabilis na paglilitis ng mga kaso sa first-level courts, inilunsad ng SC

Simula na ngayong Abril 11, Lunes ang bisa ng pinagtibay na Rules on Expedited Procedures in First Level Courts.

Inaamyendahan ng nasabing panuntunan ang 1991 Revised Rule on Summary Procedure at 2016 Revised Rules on Small Claim Cases.

Sa pamamagitan ng bagong rules ay mas magiging efficient at mas mapadadali ang mga procedure sa small claims cases at summary procedure.

Courtesy: Eagle News Service

Sa paglulunsad ng Korte Suprema ng rules, sinabi ni Chief Justice Alexander Gesmundo na ito ay bahagi ng mga reporma para mapabilis ang resolusyon at paglilitis ng mga kaso sa bansa.

Umaasa aniya ang Korte Suprema na masusunod nang maigi ng first level courts ang binuong rules para maresolba nang walang delay ang bawat kasong sibil at kriminal.

Courtesy: Eagle News Service

Sa ilalim ng rules ay inootorisa ang videoconferencing hearings sa alinmang stage ng paglilitis.

Isa rin sa mga salient features ng rules partikular sa small claims cases ay maaari nang isilbi ang mga notices sa pamamagitan ng tawag sa cellphone, text message, at instant messaging software applications.

Moira Encina

Please follow and like us: