Napabalitang pre shaded na balota unang iimbestigahan ng Comelec


Ang kumalat na balita patungkol sa umanoy pre shaded na balota sa ginagawang overseas voting kaugnay ng May 9, 2022 elections ang unang iimbestigahan ng task force kontra fake news ng Commission on Elections.

Ayon kay Comelec commissioner George Garcia, ilan sa kanilang titingnan ay mga sinasabing pre shaded na balota sa Singapore at Dubai.

Giit ni Garcia, fake news ang mga ito lalo at wala naman silang natanggap na opisyal na report hinggil rito.

Ayon sa embahada, isang insidente lang ang naiulat kung saan isang botante ang nabigyan spoiled ballot.

Ang tinutukoy na spoiled ballot na ito ay pre shaded na balota na ginamit daw sa kanilang ginawang testing.

Isolated lang daw ang pangyayari at tiniyak ng embahada na sisiguruhin nila ang tapat at may integridad na proseso ng halalan.

Nagbabala naman si Garcia laban sa mga gumagawa ng fake news na kaya silang hanapin ng Comelec at papanagutin.

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us: