Sen. Go handa na maghain at suportahan ang panukalang tapusin ang ‘endo’
Tiniyak ni Senador Bong Go ang suporta sa mga panukala na tapusin na ang endo o “end-of-contract” dito sa bansa.
Nagpaliwanag naman si Go kung bakit na-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang anti-endo noong 2019.
Ayon sa senador, sa nasabing panukala ay pinalawak ang sakop at kahulugan ng illegal “labor-only contracting”.
Kailangan aniya na maging maingat sa pag-aaral at ebalwasyon ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Handa si Go na maghain at suportahan ang kaparehong bill na magtutuwid sa mga concern ng Executive Department.
Ang pagtuldok aniya sa endo ang isa sa mga prayoridad ni Pangulong Duterte.
Binigyang-diin ng senador na dapat balanse ang interes ng lahat ng stakeholders sa pag-konsidera sa anti-endo measures.
Madelyn Moratillo