Proposed sim card and social media registration act , ibinasura ni Pangulong Duterte
Ginamit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang veto power sa panukalang batas na mag-oobliga sa pagpaparehistro ng sim card at social media provider para masawata sana ang mga krimen na may kaugnayan sa electronic communications o Cybercrime.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Martin Andanar na napuna ng Pangulo na sa original na bersiyon ng panukalang batas para sa sim card registration hindi kasama ang social media provider sa irerehistro subalit sa pinal na bersiyon ay isinama.
Ayon kay Andanar pangunahing dahilan sa pag-veto ng Pangulo sa binabanggit na panukalang batas ay ang kawalan ng tamang guidelines at kailangan pa ang malalim na pag-aaral kung isasama ang social media provider sa irerehistro.
Inihayag ni Andanar, nakita rin ng Pangulo na may butas ang panukalang batas na lalabag sa saligang batas partikular ang ukol sa privacy ng bawat indibidwal na gumagamit ng social media.
Vic Somintac