Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna, pinagsosorry sa isyu ng pagbebenta ng Divisoria Public Market
Sa gitna ng umiinit na issue kaugnay sa nabentang Divisoria Public Market sa Maynila, nais ni Atty. Alex Lopez, anak ni dating Manila Mayor Mel Lopez na magsorry sina Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna.
Ito ay dahil sa pagdawit sa kanyang Ama sa isyu ng Divisoria, na ayon kina Moreno at Lacuna ay nagpasimula umano ng pagpaparenta ng palugi sa Public market.
Binuweltahan din ni Lopez, kumakandidato sa pagka alkalde sa Maynila, si Lacuna dahil sa hindi pagdadawit sa isyu sa ama nito na si dating Manila Vice Mayor Dani Lacuna na nanguna sa pag-apruba sa pagpaparenta noon sa Divisoria Public Market.
Bwelta niya, kung titingnang mabuti, palugi ang halaga ng pagkakabenta sa public market.
Inaalam na rin daw ng kampo ni Lopez ang iba pang pag-aari ng lokal na pamahalaan na sinasabing naibenta na rin, gaya ng iba pang malaking public market.
Tiniyak ni Lopez na sakaling palarin sa halalan, itutuloy naman daw niya ang mga magagandang proyekto ni Moreno.
Madelyn Villar – Moratillo