Japan magkakaloob ng P13.3-B loan sa Pilipinas para sa Pandemic recovery
Magkakaloob ang gobyerno ng Japan ng P13.3-Billion loan sa Pilipinas bilang suporta sa emergency response ng gobyerno sa COVID-19.
Sinabi ng Department of Foreign Affairs o DFA na kinumpirma ang panukala matapos na magpalitan ng diplomatic notes sina DFA Undersecretary Lourdes Yparraguirre at Japanese Ambassador Koshikawa Kazuhiko sa suporta sa utang ng Japan.
Ang loan, na tinatawag na COVID-19 crisis response emergency loan support phase 2, ay nagdaragdag sa dating loan ng Japan sa Pilipinas na nagkakahalaga ng P50 bilyon na nilagdaan noong Hulyo 2020.
Ang Japan ang Top official development assistance partner ng bansa at tumutulong sa pag-unlad ng Pilipinas.