Malacañang tumangging magbigay ng pahayag sa report na tumatayong adviser ni Vice president Leni Robredo si CPP-NPA founding Chairman Jose Maria Sison
Tikom ang bibig ng Malacañang sa lumabas na ulat na si Communist Party of the Philippines New Peoples Army o CPP-NPA Founding Chairman Jose Maria Sison ay tumatayong adviser ni Presidential Candidate Vice President Leni Robredo.
Hindi naglabas ng anumang pahayag si Acting Presidential Spokesman Secretary Martin Andanar kaugnay ng binabanggit na isyu matapos magpadala ng kahilingan ang Net 25 reporter sa pamamagitan ng viber group ng Malacañang Press Corps kung ano ang reaction ng Palasyo sa naturang report.
Batay sa lumabas na ulat inamin umano ni Sison na ang kanyang partido ang pangunahing contributor sa kampanya ni Vice President Robredo at siya rin daw ang tumatayong adviser ng Bise Presidente at ng kanyang tagapagsalita na si Barry Gutierrez at hinihikayat pa ni Sison ang lahat ng partisan na magtiyaga at maging matatag sa pagsuporta kay Robredo na nangakong tatayo kasama ang taongbayan para sa paglaban sa mapang-aping sistema.
Nauna rito nagpahiwatig si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang regular weekly Talk to the People na mayroong isang presidential candidate na suportado ng kilusang kumunista at tinukoy din ang mga partylist groups na front ng makakaliwang grupo na kinabibilangan ng Kabataan, Anakpawis, Bayan, Alliance of Concern Teachers at Gabriela o KABAG.
Vic Somintac