Mga Senador,kinondena ang hakbang ng facebook na pagtake down sa ilang posts ng ilang personalidad at ahensya ng gobyerno
Kinondena ng mga Senador ang ginawang pag take down ng social media giant na facebook sa posts ng ilang personalidad at mga ahensya ng gobyerno.
Ayon kay Senador Francis Tolentino ito’y isang malaking sampal at direktang pag- atake sa freedom of expression.
Inamin ng Senador na maging siya ay naging biktima dahil unti unti nang nababawasan ang kaniyang followers.
Pinagpapaliwanag naman na ng Senate Committee on information ang Facebook.
Sa kaniyang sulat kay John Rubio, director ng Facebook sa Pilipinas, sinabi ni Senador Ramon Bong Revilla jr na dapat ipaliwanag ng Facebook ano ang batayan sa pagtatanggal ng mga lehitimong mensahe at programa ng pamahalaan.
Kinikilala aniya ng gobyerno ang hakbang ng Facebook laban sa disinformation, bullying karahasan at terorismo pero mali na itake down ang posts na wala namang paglabag sa kanilang inilatag na community standards .
Sa tingin ni Revilla umabuso na ang facebook at hindi ito dapat nakikiaalam sa isyu ng partisan politics sa bansa.
Wala pang pahayag ang Facebook hinggil dito.
Meanne Corvera