497K mga mag-aaral sa Ilocos Region lumahok sa F2F classes

Photo: (Screenshot from DepEd Ilocos’ livestream) / pna.gov.ph

Nasa 497,266 mga mag-aaral ang lumahok sa implementasyon ng expanded limited face-to-face (F2F) classes, hanggang noong April 21 ngayong taon sa Ilocos region.

 
Sinabi ni Department of Education (DepEd) Ilocos Regional Office Policy, Planning, and Research Division planning officer Pedro Jose Cudal, na sa kabuuang bilang, 299,539 ay kindergarten hanggang Grade 6, 137,070 ang junior high school, at 60,657 ang senior high school.

 
Ayon kay Cudal, mayroon na ngayong 1,839 eskuwelahan mula sa kabuuang 3,409 mga paaralan sa rehiyon ang lumalahok sa expanded limited F2F classes.

 
Aniya . . . “Among the factors affecting the students to participate in the limited F2F are the parents’ consent, the distance of the school to their residence wherein they have to travel, and considering also the capacity of the schools as we need to follow health protocols.”

 
Dagdag pa ng opisyal, mas marani pang mga mag-aaral ang inaasahang lalahok sa lalong madaling panahon dahil may ilang mga paaralan na nag-a-apply para maragdagan ang seating capacity ng kanilang mga silid-aralan.

 
Mayroong higit 1.3 milyong enrollees sa Ilocos Region para sa school year 2022-2023. 

 
Samantala, sinabi ni Dr. Romarie Joy Castillo, medical officer ng DepEd Ilocos Education Support Services Division, na mayroon na ngayong 305,655 mga mag-aaral sa rehiyon ang nabakunahan na laban sa COVID-19.

 
Sa kabuuang bilang aniya, 1,108 sa kindergarten ang fully vaccinated na, 16,400 sa Grade 1 – 6, 148,803 sa junior high school, at 103,441 sa senior high school.

 
Bagama’t hindi requirement na maging bakunado na para makadalo sa limited F2F classes, hinimok ng DepEd Ilocos ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang anak pa na rin sa proteksiyon ng mga ito.

 
Dagdag pa ni Castillo, 92 percent o 44,694 ng DepEd Ilocos Regional Office teaching at non-teaching personnel, ang fully vaccinated na.

Please follow and like us: