Marawi, target magpatupad ng full face-to-face classes sa Setyembre
Target ng tanggapan ng Department of Education (DepEd) sa Marawi City, Lanao del Sur na magpatupad ng full operation ng face-to-face classes simula sa Setyembre.
Sa isang pahayag ay sinabi ni Marawi City Schools Division (MCSD) Superintendent, Dr. Anna Zenaida Unte-Alonto, na ang plano ay nakahanay sa target na itinakda ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) ng Bangsamoro region.
Ayon kay Alonto . . . “The MBHTE wanted a hundred percent opening of our classes because the last two years brought learning losses to our children who were affected by the two-year pandemic.”
Sa kasalukuyan, 13 mga paaralan ang nagsasagawa ng limited face-to-face classes simula noong April 17.
Hanggang sa ngayon, ay wala pa namang naiuulat na pagkakasakit o outbreaks ng Covid-19.
Si MBHTE Minister Mohagher Iqbal ay nagkaloob ng P50,000 para sa 13 identified recipient schools, na nag-qualify sa tests upang buksan na ang controlled in-person classes.
Nakahanda na rin ang MCSD para sa taunang aktibidad ng DepEd, na maagang pagpaparehistro ng enrollees para sa School Year (SY) 2022-2023.