Malakanyang tiwala parin sa DOJ na maisusulong ang drug case laban kay Senadora Leila De lima
Iginagalang ng Malakanyang ang kalayaan ng hukuman na humahawak sa kasong kinakaharap ni Senadora Leila de Lima na may kaugnayan sa ilegal na droga.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Martin Andanar na nasa kamay ng hukuman ang ebalwasyon sa mga ebidensiya laban kay de Lima kahit na nagkaroon ng pagbawi ng testimonya ni dating Bureau of Corrections Officer in Chage Rafael Ragos.
Ayon kay Andanar, nananatili ang tiwala ng Malakanyang sa kakayanan ng Department of Justice at National Prosecution Service na tumututok sa kaso ni De Lima.
Ginawa ng Palasyo ang pahayag matapos bawiin ni Ragos ang kanyang testimonya laban kay de Lima dahil siya ay pinilit lamang umano ni dating Justice Secretary Vitallano Aguirre na idiin ang mambabatas na kasalukuyang nakakulong sa Philippine National Police Custodial Center sa Kampo Crame.
Vic Somintac