Pangulong Duterte, nangakong patuloy na maglalatag ng mga oportunidad para sa mga manggagawang Pinoy
Bagamat walang wage benefits na ibinigay ang pamahalaan sa mga manggagawa sa pagdiriwang ng Labor Day nangako naman si Pagulong Rodrigo Duterte na patuloy na maglalatag ang pamahalaan ng mga oportunidad para sa mga manggagawang Pinoy.
Sinabi ng Pangulo na kinikilala ng pamahalaan ang sakripisyo ng mga manggagawa lalo na ang mga Overseas Filipino Workers o OFWS na malaki ang ambag sa ekonomiya ng bansa.
Ayon sa Pangulo kahit sa panahon ng pandemya ng COVID- 19 ay hindi pinabayaan ng pamahalaan ang mga manggagawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga ayuda at paghahanap ng paraan kung papaano mapapanatili ang kanilang trabaho kaya unti-unti ay niluwagan ang mga restrictions.
Inihayag ng Pangulo sa ilalim ng kanyang administrasyon ay nagkaroon ng mga medical facilities para sa mga manggagawa , OFW Bank at pagtatatag ng Department of Migrant Workers.
Vic Somintac