Qantas bumili ng mga eroplano para sa non-stop flights mula Sydney patungong New York
Inanunsiyo ng Qantas Airways na umorder ito ng dose-dosenang Airbus aircraft, kabilang ang labingdalawang A350-1000 planes para sa non-stop routes sa pagitan ng Sydney at New York.
Ang isang dosenang A350-1000 ay inorder ng flag carrier ng Australia para sa kanilang Project Sunrise direct flights mula Australia hanggang sa mga lungsod kabilang ang New York at London simula sa pagtatapos ng 2025.
Sinabi ni Qantas Group CEO Alan Joyce . . . “The A350 and Project Sunrise will make any city just one flight away from Australia. It’s the last frontier and the final fix for the tyranny of distance.”
Ayon sa Qantas, ang naturang mga eroplano na 25% na mas matipid sa gasolina kaysa sa nakaraang henerasyon ng sasakyang panghimpapawid, ay maglululan ng 238 mga pasahero at may cabin na partikular na naka-disenyo para sa malayuang biyahe na may tinatawag na “wellbeing zone” sa gitna nito.
Inanunsiyo rin ng airline ang pagbili sa 40 A321XLRs at A220 aircraft para sa kanilang domestic fleet.
Binili ng Qantas ang mga jet para sa kanilang domestic Project Winton upang palitan ang magreretiro nang mga Boeing 737 at 717, na ang unang batch ng inorder na aircraft ay magsisimulang dumating sa huling bahagi ng 2023.
Sinabi ni Joyce na ang mga nabanggit na jet ang magiging “backbone” ng domestic service ng Qantas para sa susunod na dalawang dekada, at gagawin nitong posible ang mga bagong direktang ruta.
Aniya . . . “These newer aircraft and engines will reduce emissions by at least 15% if running on fossil fuels and significantly better when run on sustainable aviation fuel. This order brings us closer to our commitment to reach net zero emissions by 2050.”
Dagdag pa niya . . . “The aircraft order is the largest in Australian aviation. We have come through the other side of the pandemic a structurally different company. Our domestic market share is higher and the demand for direct international flights is even stronger than it was before COVID.”
Ang pagbili ayon sa Qantas, ay lilikha ng higit isanglibong mga trabaho, at magbibigay daan para sa pag-unlad ng career ng kanilang mga tauhan.
Sinabi ni Tony Lucas, presidente ng Australian and International Pilots Asoociation trade union, na ang pagbili ay “isang malaking kaganapan ng pagbabago para sa aviation industry.”
Gayunman aniya, ang bagong “long-haul flights” ay nangangahulugan din ng mga bagong hamon na kailangang bantayan.
Aniya . . . “Given that no one’s ever operated these sort of flights before, that will be a learning experience for both Qantas and us as pilots, and we expect that the Civil Aviation Safety Authority will be involved in that process as well.”