Pagbaliktad ng mga testigo laban kay Senador De lima, politically motivated
Pulitika ang nakikitang motibo ni Senator Ronald Bato Dela rosa sa pagbaligtad ng mga testigo sa illegal drug case ni Senador Leila de Lima.
Duda si Dela rosa na may nangyaring kasunduan kaya nagbago ng statement sina dating Bucor OIC Rafael Ragos at druglord na si Kerwin Espinosa.
Anim na taon na raw kasi ang nakalipas bakit ngayon lang nagsalita ang dalawa kung kailan mag- eeleksyon at magpapalit na ang administrasyon.
Sa kaniyang ang pagkakaalam, walang pumilit at boluntaryo ang ginawang pagtestigo noon nina Ragos at Espinosa at hindi sila pinilit ng gobyerno.
Posible pa raw na makasuhan ang dalawa ng Perjury dahil sa pagsisinungaling sa imbestigasyon noon ng Senado.
May nauna nang pahayag si Justice Secretary Menardo Guevarra na ikinukunsidera ang pagsasampa ng Perjury laban kay Espinosa.
Ang dalawa ang nagdiin noon kay De lima sa illegal drug activities umano sa loob ng Bureau of Corrections.
Sa ngayon nasa korte na aniya ang pasya kung bibigyan ng value ang ginawang pag -atras ng dalawa.
Meanne Corvera