Comelec all set na sa halalan sa Lunes
Isang daang porsyento ng naideliver ng Commission on Elections ang mga makina, balota at iba pang election paraphernalia para sa May 9 National and Local elections.
Ayon kay Comelec Comm Marlon Casquejo, all set na ang Comelec para sa halalan sa Lunes.
Sa datos ng Comelec, 100 porsyento ng naideliver ang mahigit 106,000 vote counting machines, mga opisyal na balota, BroadBand Global Area Networks at Consolidation and Canvassing System.
Habang nasa 99.81% naman ang naideliver ng external batteries ng VCM.
Ayon sa Comelec, 66% na ng 106,000 clustered precint ang nakapagsagawa na ng Final Testing and Sealing.
Sa mahigit 70,000 VCM na sumailalim sa FTS, 355 lang ang nakitaan ng depekto.
Pero wala naman daw dapat ipangamba dahil inaayos na ang mga ito sa kanilang repair hub.
Ayon kay Caquejo may 1,100 contingency machines ang Comelec para madaling mapalitan ang mga makina na magkakaproblema habang may mga itinayo rin silang repair hub sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Umaasa naman ang Comelec ng mataas na voter turn out para sa May 9 elections.
Madelyn Villar – Moratillo