PDP Laban, idineklarang majority political party ng Comelec
Idineklara ng Comelec bilang dominant majority party ang PDP Laban.
Pero kahit sila ang dominant majority party, wala pa namang desisyon ang Comelec kung aling paksyon dito ang kinikilala bilang dominant majority party
.Ayon kay Comelec Comm George Garcia sa ngayon ay nasa dibisyon parin kasi ang kaso.
Ang idineklara naman bilang dominant minority party ay Nacionalista party.
Habang idineklara namang major political parties ang Liberal PartyAksyon, Demokratiko,Nationalist People’s Coalition,Lakas CMD,Partido para sa Demokratikong Reporma National Unity Party,Partido Federal ng Pilipinas,Akbayan,at United Nationalist Alliance.
Ang mga idineklarang dominant majority at minority party ay makakasama sa unang bibigyan ng kopya ng election return at prayoridad ding mabigyan ng slot para makapasok sa loob ng polling centers.
Madelyn Villar- Moratillo