Isko Moreno nag-concede na kay Bongbong Marcos
Nag-concede na si Manila City mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, sa nangungunang presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa 2022 presidential elections.
Aniya . . . .“Mayroon na pong pinili ang taumbayan. Sa kasalukuyan ay nais kong batiin si dating Senador Ferdinand Marcos sa kanyang pangunguna at patuloy na pangunguna… Congratulations po sa inyo.”
Simula nang lumabas ang partial at unofficial results mula sa Commission on Elections (Comelec) nitong Lunes ng gabi, May 9, namalagi si Moreno sa ika-apat na puwesto — sa likod ni dating senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., Vice President Leni Robredo, at Senator Manny Pacquiao.
Pagkatapos niyang bumoto sa Magat Salamat Elementary School sa Tondo nitong Lunes, iginiit ni Moreno na tama ang naging desisyon niya na tumakbo sa pagka-pangulo.
Ayon kay Moreno . . . “We saw how our compatriots in different corners of our country were deprived of progress. Sad to say but it’s true. As I said in my miting de avance, my decision was correct to run for president to offer an option to the long conflict between reds and yellows,” na ang tinutukoy ay ang kampo ni Marcos at Robrero.