General assessment ng katatapos na election i-uulat ng PNP at AFP kay Pangulong Duterte
Muling haharap sa bayan si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang regular weekly Talk to the People.
Inaasahang magbibigay ng report sa Pangulo ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines o AFP at Philippine National Police o PNP hinggil sa assessment sa katatapos na halalan sa bansa.
Ang AFP at PNP ay deputize ng Commission on Elections o COMELEC na nagbantay sa kaayusan ng isinagawang eleksyon.
Batay sa unang report ng AFP at PNP bagamat may mga naitalang kaguluhan sa ilang lugar , maituturing itong isolated cases lamang dahil sa pangkalahatan generally peaceful ang ginanap na halalan sa buong kapuluan.
Vic Somintac