Meralco , pinagsosoli ng sobrang singil sa kuryente
Batay sa utos ng Energy Regulatory Commission , ibabalik na sa consumers ang sobrang siningil ng Meralco na aabot sa 7.8 billion pesos sa kanilang ipinataw na sobrang taripa mula July 2011 hanggang June 2015.
Sa abiso ng Meralco, aabot sa 12 centavos per kilowat hour ang maaring mabawas sa singil na katumbas ng 24 pesos sa mga customer na kumukunsumo ng 200 kilowatt hour kada buwan habang 60 pesos naman sa mga aabot ang konsumo sa 500 kilowatt hour.
Pero ang masamang balita itataas na naman ng Meralco ang generation charge ng 35 cents ngayong Mayo.
Dulot raw ito ng pagtaas ng singil ng Malampaya Natural gas na aabot sa 10 percent bukod pa sa pagtaas ng presyo ng ginagamit na krudo sa pandaigdigang merkado, na ipinapasa nanaman sa taong bayan.
Ang mga customer dismayadong dismayado naman sa mataas na sisingilin ng Meralco.
Reklamo nila hindi sila nagdagdag ng appliances pero halos dumoble ang singil sa kuryente.
Ayon pa sa Meralco may ginagawa daw silang aksyon para mapababa ang singil tulad ng pagsugpo sa mga nagja jumper ng kuryente.
Ngunit ipinapataw rin naman ng Meralco sa mga consumer sa ilalim ng systems loss.
Meanne Corvera